NP BUKING NA BUKING ANG PAGKA-DESPERADO -- GASCON
Buking na buking ang pagka-desperado ng mga Nacionalista sa kanilang pagpilipit sa pahayag ni vice-presidential bet Senador Mar Roxas na mas dadami ang mga “taong naka-orange” o mga kriminal na ipapakulong ng administrasyong Aquino-Roxas.
Ayon kay LP Director General Chito Gascon, palibhasa’y desperado na sila, kung kaya’t binibigyan nila ng ibang kulay ang malinaw na pahayag ni Roxas—na makukulong ang mga tiwaling opisyal, malalaking tax evader at smuggler, dahil sa wakas ay talagang hahabulin na sila ng susunod na Presidente na uupo sa Malakanyang.
Para kay Gascon at sa mga Liberal, malas lang ng mga Nacionalista dahil sila ay naka-orange, na kulay ng uniporme ng mga bilanggo; at kaya siguro mabilis ang reaksyon ng NP ay dahil ang ilang nasa likod nito ay nasasangkot sa malalaking anomalya tulad ni JocJoc Bolante.
Dagdag pa niya, napa-praning lang sila, lalo na’t lumabas ang ulat na tinangkang suhulan ng NP presidential bet Manuel Villar ang kalaban na si Bagumbayan presidential bet Richard Gordon para umatras sa kanyang kandidatura; at huling-huli sa akto si Villar na bumibili ng tig-bebenteng boto
Bukod pa roon, hindi pa rin maungusan ni Villar at ng ka-tandem niyang si Senador Loren Legarda ang nangungunang tambalan nina Senador Noynoy Aquino at Roxas sa mga pre-election survey, kaya lahat na lang ng isyu ay pinapatubo nila.
03-03-2010
|