LP: ‘SARMIENTO DISSENT’ patunay na dapat ibasura ang NP-NPC COALITION 

 

Isang commissioner ng Comelec ay hindi kumbinsido na tama ang ruling ng ahensya na lehitimo ang pag-iisang pwersa ng Nacionalista Party (NP) at Nationalist People’s Coalition (NPC) dahil maliwanag na mali ang naging basehan nito, ayon sa Liberal Party (LP). 

Kaya naman iaapela ng LP ang desisyon ng Comelec En Banc na nabalam ng halos isang linggo mula nang i-anunsiyo ito ni Commissioner Lucenito Tagle sa publiko, ayon kay LP general campaign manager Florencio “Butch” Abad.  

Ayon kay Abad, lalong tumibay ang hangarin ng LP na daanin sa legalidad ang pagkontra sa   pekeng NP-NPC coalition at sa plano nitong agawin ang dominant minority party status sa May 10 elections dahil sa makabuluhang opinyon ni Commissioner Rene Sarmiento. 

“Mismong si Chairman Jose Melo ay umaayon sa opinyon ni Commissioner Sarmiento. This is a spark of light through the darkness that clouds the credibility of the Commission and the automated polls,” sabi ni Abad. 

“Sa totoo lang, dapat doon na lang nag-apply ang NP-NPC Coalition kuno sa pagiging dominant majority party dahil doon naman talaga sila nabibilang,” giit niya.  

Ayon kay Sarmiento, “null and void” ang NP-NPC merger at “there is no valid coalition formed between the two political parties,” lalo’t hindi inaprubahan ng national convention ng bawat partido ang coalition para maging dominant minority party sa May 10 elections. Sa madaling salita, “pekeng koalisyon ang NP-NPC Coalition! ” ayon kay Abad.  

“The action of the Executive Committees of the NP and NPC in issuing said Joint Resolution, without any authorization coming from their National Convention, is a clear violation of the Constitution and By-laws of both parties, an ultra vires act which should not be condoned,” ani Sarmiento sa kanyang walong pahinang “dissenting opinion.” 

Binanggit pa niya na Pebrero 12, 2010 lang nagparehistro ang NP-NPC bilang political party coalition samantalang Agosto 17, 2009 pa ang deadline ng filing of petitions for accreditation bilang dominant minority o majority party. “By filing said petition [for party coalition], petitioner [NP-NPC] itself admitted that the coalition is not yet recognized by [the Comelec],”giit pa ni Sarmiento. 

 “Nananadya ba sila? The delay in the release of the resolution robbed the LP material time to undertake legal actions,” sabi naman  ni Abad, lalo’t tatlong beses nang nagsumite ng motions to release ang LP— April 9, 10 at 12—para ilabas na ng Comelec ang naturang resolution. 

Ang pag-apruba sa pekeng NP-NPC ay magbibigay daan para makuha nila ang dominant minority party status, na hinahangad din ng LP at iba pang mga opposition party. Ibinibigay sa dominant minority party ang isang kopya ng electronic returns at access sa central server sa mismong araw ng halalan.

 

 


04-13-2010